KOREA
Mga Dinastiya sa Korea
1. Gojoseon o Lumang Joseon (2333 B.C.E-108 B.C.E)
Gojoseon

Dangun

· Ayon sa mga iskolar nagkaroon ng hiwa-hiwalay na estadong pamayanan sa Korea noong panahon ng Bronse(3000-300 B.C.E.).
· Isa sa pinakamalakas ay ang Gojoseon na itiantag ni Dangun.
· Mula sa pagiging estadong pamayanan, ito ay naging kaharian.
· Nasakop ng Han ng China noong 109 B.C.E. and Gojoseon.
· Nagpatuloy ang pangningibabaw ng Tsino hanggang 313 C.E.

2. Tatlong Kaharian (313-668 C.E.).
Mapa ng Tatlong Kaharian

· Unti-unting lumitaw ang tatlong kaharian ng Korea sa timog na bahagi: ang Goguryeo(37 B.C.E.-668 C.E.), Baekje (18 B.C.E-663 C.E.), at Silla (57-668 C.E.).
· Tinawag ito bilang panahong ng Tatlong Kaharian.
· Unang nabuo sa tatlo ang Goguryeo noong 37 B.C.E.
· Noong 313 B.C.E. tinalo ang Goguryeo ang hukbong Tsino.
· Nabuo ang Baekje sa timog-silangan malapit ang pakikipag-ugnayan nito sa China at Japan.
· Ang lipunan ang tatlong kaharian ay pinamumunuan ng mga aristokratikong mandirigma.
· Hiniram nila ang sistema ang pamahalaan ng Han sa China, ang Buddhism, at ang tradisyon ng pagsusulat ng kasaysayan.

3. Pinag-isang Silla (668-935 C.E.).
Silla

· Noong ikaanim na siglo ang Baekje at Goguryeo ay pinahina ng mga sigalot na kaharian.
· Samantala, ang Silla ay nasa ilalim ng pamumuno ng magaling na hari na may planong sakupin nag katabing kaharian.
· Unang bumagsak nag Baekje at sumunod ang Goguryeo.
· Dahil ditto napag-isa ng Silla ang halos kabuuan ng Korea.
· Matapos ang pitong taon, napatalsik ng Silla ang mga Tsino sa Korea.

4.Balhae (698-926 C.E.).
· Ang Balhae ay itinatag ni Dae Joyong.
· Matatagpuan ang Balhae sa hilaga ng Korea at umaabot hanggang sa Manchuria.
· Ang kultura nito ay pinag-sanib ng Tang at Goguryeo.
· Noong ika-10 siglo nasakop ito ng mga nomadikong Khitan.

5. Goryeo o Koryo (918-1392 C.E.).
Goryeo
Celadon
Movable Metal-type Printing
Selected Teachings of Buddhist Sages and Seon Masters

· Ang Goryeo ay itinatag ni Wang Geon. Ang pangalang Korea ay nagmula sa kahariang ito.
· Ang buong Korea ay napasailalim sa iisang kaharian.
· Sa larangan ng sining, nakalikha ang Goryeo ng sariling istilo ng porselana na tinatawag na celadon.
· Sa teknolohiya, lalo pang pinaunlad ang woodblock na paglilimbag at naimbento ang movable-type an paglilimbag.
· Inilimbag gamit ang movable metel-type ang Jikji schimche yojeol (Selected Teachings of Buddhist Sages and Seon Masters).
Binuo ang Tripitaka Koreana o banal na kasulatan ng Buddhism gamit ang woodblock.



6. Joseon o Yi (1392-1910 C.E.).
Joseon
Yi Seong-gye
Hangul
Turtle Ship

· Ito ang pinakahuli at pinakamahabang dinastiya ang Korea.
· Itinatag ito ni Yi Seong-gye.
· Inilipat niya ang kabisera ng Hanseong(ngayon ay Seoul)
· Sa panahon ni Haring Sejong siya ay tinaguriang “Ang Dakila”
· Kautusan ni Haring Sejong na bumuo ang mga iskolar ng alpbetong Korean – ang hangul Hunmin Jeogeum.
· Mahalaga rin ang kontribusyon ni Admiral Yi Sunsin sa labanang dagat. Inembento niya ang turtle ship.
· Ang lipunan ng Korea ay binubuo sa apat na uri: angyangban, chung-in, yangmin, at chonmin.





0

Add a comment

    Loading